Sunday, November 6, 2011

Panalangin ng mga Kabataan para sa pagdiriwang ng CBCP Taon ng mga Kabataan




_DSC0232

Makapangyarihang Ama,
Diyos ng buhay at pag-ibig
Sa lahat ng panahon, minamahal Mo kami.
Nagtiwala at pinili Mo kami upang makiisa sa gawain ng Iyong pagliligtas.

Basbasan Mo kami,
Iyong mga kabataan, nang Iyong pagpapala.
Bigyan Mo kami nang biyaya, mamuhay ng ganap
sa pamamagitan nang pakikipagtagpo sa Iyong Anak
sa isang personal na pamamaraan at pagpapanatili ng kaugnayan sa Kanya,
sa pagkabatid ng buhay mula sa Kanyang salita at mga gawa,
mula sa Kanyang malalim na kaugnayan sa Iyo,
at sa pamumuhay na tapat at mabungang pakikiisa sa Iyo at sa isa’tisa.

Palakasin Mo kami sa tulong ng Banal na Espiritu
upang maging matatag sa pananampalataya.
Maakay nawa namin ang aming kapwa kabataan patungo sa Iyo
upang sama-sama kaming maging kasangkapan ng pagbabago
at tagapagtatag ng pamayanang may katarungan at pagbubuklod,
pag-ibig at kapayapaan.

Gawin Mo kami:
Iyong mga kabataan,
kasama yaong mga naglilingkod sa amin,sa simbahan, mga pamilya at pamayanan,
na makagawa ng makabuluhang tugon sa pangkalahatang bokasyon:
na mamuhay na ganap at mabunga sa paggawa ng lahat ng bagay
nang may pag-ibig habang kami ay sumusunod kay Kristo
sa daan nang dalisay na tiwala sa Iyo.

Kaisa ng buong Simbahan,
dumadalangin kami na ang CBCP Taon ng mga Kabataan
ay maging panahon para sa ministeryong pangkabataanng iyong Simbahan
at maging bagong pagsibol para sa aminat sa lahat ng kabataang Filipino:
isang dakilang panahon nang paglago sa Iyong pagpapala
sa pamamagitan ng aming pamumuhay sa masiglang kabanalan
at sa pamamagitan ng aming pagsisikap na abutin bilang isang Simbahan
yaong mga naghihintay sa Iyong pagmamahal.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria,
aming huwaran sa pagbibigay ng buong sarili sa Iyong kalooban,
Itinataas namin sa Iyo ang panalanging ito
kay HesuKristo,Iyong Anak, aming Kaibigan, Kapatid at Panginoon,
Sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ngayon at magpakailanman.

Amen.

by Ministry for Youth Affairs Diocese of Cubao

2 comments: