Monday, November 21, 2011

THE KING IS A SERVANT-LEADER!


THE KING IS A SERVANT-LEADER! - HOMILY for CHRIST THE KING SUNDAY by Fr. MIGZ REYES CONCEPCION, III



Scriptural Readings: Ezekiel 34:11-12, 15-17 / Psalm 22 / 1 Corinthians 15:20-26, 28 / Matthew 25:31-46

Ano ang hari?
-      makapangyarihan
-      tagapamahala
-      siya ay pinuno at namumuno
-      maraming alipin --- pinagsisilbihan
-      mayaman
-      malaki ang nasasakupan
-      ‘bow’ ang lahat sa kanya
-      SALITA NG HARI, KAILANMA’Y ‘DI MABABALI!

Ganito ang karaniwang paglalarawan natin sa isang hari --- isang tagapamahala na pinagkatiwalaan ng kanyang mga nasasakupan upang sila’y pamunuan.

KAPAG NAMUMUNO: --- in the Philippine context: corrupt, power-driven, vested self-interest, to perpetuate in power, lagay dito-lagay doon; papogi points; compromises

SA PAGDIRIWANG NATIN NG HULING LINGGO SA BUONG KALENDARYO NG SIMBAHAN --- CHRIST THE KING SUNDAY --- magandang pagtuunan ng pagninilay kung ano ang kahulugan ng ipinagdiriwang sa ating pangkasalukuyang buhay at karanasan.

Magandang tanungin din kung ano ang kahulugan ng pagsasabi na si KRISTO AY HARI! Anong uri ng paghahari ang ipinapahayag ni Kristo?

1.     A king whose sense of justice is that of a shepherd, a good shepherd.

Ganito nagpakilala ang Diyos sa Aklat ni Propeta Ezekiel sa UNANG PAGBASA‘Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking mga tupa. Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon ko hahanapin ang aking tupa.’
Nilaktawan ng piniling Pagbasa ang mga ganitong bahagi: ‘Titipunin ko sila mula sa iba’t ibang dako upang ibalik sa sarili nilang bayan... Doon ko sila aalagaan sa kaparangan ng Israel, sa tabi ng mga bukal ng tubig at sa magagandang pastulan. Aalagaan ko sila sa sariwang pastulan na tahimik... Mamamahinga sila sa sariwang pastulan at manginginain ng sariwang damo...’

Sa pagpapatuloy ng Aklat ni Propeta Ezekiel: ‘AKO MISMO ANG MAGPAPASTOL SA KANILA AT HAHANAP NG KANILANG PAHINGAHAN. Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina, at babantayan ang malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang kailangan nilang pagkain.’

Napakaganda ng pagpapakilala ng Panginoon bilang isang Pastol. Maganda ang kanyang plano para sa kawan. Napakaayos ng kanyang pangarap at pangako sa kanyang mga tupa!

But the FIRST READING ends with a warning, ONE THAT WE SHOULD TAKE HEED OF AND LISTEN TO: ‘AKO ANG MAGIGING HUKOM NINYO. PAGBUBUKURIN KO ANG MABUBUTI’T MASASAMA, ANG MGA TUPA AT ANG MGA KAMBING!’

THE CHALLENGE: If Jesus is our king, our sense of justice must also be that of a shepherd ---- we gather rather instead of dividing; we divide only after we have shepherded and people decide other than what good we offer them.

In various many ways, we are all shepherds! --- Ang mga pinagkatiwala sa ating mga tupa ay nararapat alagaan, pakanin, pagmalasakitan!

If we fail in shepherding them, then the Lord has a warning for us: ‘I WILL COME BACK FOR THEM!’

2.     A king whose ultimate goal is for his subjects to enjoy life in its fullness.

Sa UNANG PAGBASA sa pagpapahayag ni San Pablo sa kanyang Unang Sulat sa mga taga-Corinto na sa Muling Pagkabuhay ni Kristo, siya ay kinilalang hari ng sansinukob, ang Panginoon sa lahat ng panahon.

‘At darating ang wakas, pagkatapos malupig ni Kristo ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan; at ibibigay niya sa Diyos at Ama ang paghahari. Sapagkat si Kristo’y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang pasusukuin ay ang kamatayan... Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.’

Lubos ang Gawain, ang misyon, ang sakripisyo at pag-aalay ng buhay ni Kristo. At ang sakripisyong ito ang nagbukas ng pintuan ng kalangitan upang ang sanlibuta’y makinabang sa buhay na walang hanggan, sa isang buhay na ganap at kasiya-siya!

The challenge: We go beyond mediocrity. Hindi pwede iyong ‘pwede na,’ dapat pwedeng-pwede na!

We even have to offer our lives, lose ourselves, bear the cross --- that others may enjoy life more and more and have their lives become more meaningful.

Commend: Parents, teachers, housewives, workers, public servants who go beyond the call of duty ---- WHOSE STANDARD IS NOT OR THE RETURN OF THEIR EFFORTS ---- but the sole motivation and the more important reason is THEIR LOVE FOR WHAT THEY ARE DOING; THEIR LOVE FOR THOSE WHOM THEY DO THEIR WORK FOR.

3.     A king whose reign and rule is about service to those in dire need.

What defines the kingship of Jesus?
  • His oneness with the poor --- nagugutom, nauuhaw, dayuhan, walang maisuot, bilanggo

He identifies himself with the lowly.
He serves them.
BAKIT GANITO NA LAMANG ANG PAG-IBIG AT MALASAKIT NI JESUS SA MGA MALILIIT AT MGA DUKHA?

The love story between Jesus and the lowly goes back to the Incarnation: SA PAGKAKATAWANG-TAO AT PAGSILANG NI JESUS ANG MGA UNANG KUMILALA SA KANYA BILANG HARI AY ANG MGA PASTOL! SA KANYANG PANGANGARAL AT PAGPAPAHAYAG, ANG MGA UNANG NATIGATIG AT NAAKIT SA KANYANG KATOTOHANANG IPINAHAHAYAG AY ANG MGA MAKASALANAN, ANG MGA ABA, ANG MGA WALANG KAPANGYARIHAN, AT MGA HINDI KINIKILALA NG LIPUNAN!

SA KATAPUSAN NG KANYANG BUHAY SA MUNDONG ITO, SA PAGKABAYUBAY SA KRUS, ANG UNANG KUMILALA SA KANYA BILANG HARI AY ISANG KRIMINAL NA NAGSABI: ‘Jesus, alalahanin mo ako kapag ikaw ay naghahari na!’

Ang mga kumikilala sa kanya bilang hari, kikilalanin din ng Panginoon sa kanyang kaharian --- bilang kanyang mga alagad, bilang kanyang mga tupa, bilang kanyang bayan!

Challenge: Kung paanong pinahalagahan ni Jesus ang mga nagugutom, nauuhaw, ang mga dayuhan at walang maisuot, ang mga bilanggo --- WE DO THE SAME!
  • When we recognize Jesus in them, when we see the face of God among the lowly and the powerless and the poor, WE RECOGNIZE THE KING WHO LOVED THEM, WHO SHEPHERDED THEM, AND WHO CARED FOR THEM SO MUCH --- THE KING WHO DIED FOR THEM AND FOR US!

Mother Teresa’s work has endeared her not only to Christians but to people of all religions and affiliations. --- this frail-looking woman who was called ‘the living saint’ or ‘the saint of the gutters’ or the ‘saint of the Calcutta slums’ inspired many to get out of their way and stretch their hands and hearts out to those in need: ‘I SEE JESUS IN THEM. SO I SERVE. WE SERVE JESUS IN THEM!’

Like Jesus: 
Let us gather, rather than separate and divide.
Let us be excellent in our self-giving.
Let us see, recognize and accept Jesus who is in each one of us.

THEN AND ONLY THEN IS JESUS TRULY THE KING OF OUR LIVES.
THEN AND ONLY THEN IS TRULY JESUS THE ONE AND TRUE KING OF THIS WORLD AND BEYOND --- yesterday, today, tomorrow and forever and ever.  AMEN!

No comments:

Post a Comment