GININTUANG ADBIYENTO: PAGHAHANDA AT PAGHIHINTAY! - HOMILY for the 1st SUNDAY OF ADVENT by FR. MIGZ R. CONCEPCION, III
by Migz Reyes Concepcion III on Saturday, November 26, 2011 at 1:09pm
Scriptural Readings: Isaiah 63:16b-17, 19b; 64:2b-7 / Psalm 79 / 1 Corinthians 1:3-9 / Mark 13:33-37
Noong nakaraang madaling-araw ng Biyernes, pinasinayaan at binuksan ang Ginintuang Jubileo ng ating Diyosesis sa pamamagitan ng mga salitang ganito ng ating Mahal na Obispo Luis Antonio G. Tagle: ‘NAHIPAN NA PO ANG TAMBULI, NABUKSAN NA ANG BANAL NA PINTUAN! MGA MINAMAHAL NA KAPATID SA DIYOSESIS NG IMUS, GININTUANG JUBILEO NA NGA.’
- Ang tatlong taong pinaghandaang Jubileo ngayo’y nasimulan at nabuksan na: BAGONG PANAHON, BAGONG PANAWAGAN, BAGONG HAMON ANG HATID NG DAKILANG JUBILEONG ITO!
- Kahapon nang umaga, pinamunuan ng ating Mahal na Obispo ang pagbubukas ng pintuan ng ating Simbahan bilang tanda ng ‘pagtatalaga’ rito bilang isa sa mga Jubilee Churches.
GANITO RIN ANG DALA AT HATID NG PINAPASOK NATING PANAHON SA KALENDARYONG LITURHIKAL! --- Ang araw na ito ay simula rin ng isang bagong panahon sa ating buhay-pananampalataya bilang isang sambayanan. Panahon na ng Adbiyento kaya’t ito’y hudyat na ang isang bagong taon ay nagsimula na sa ating Simbahan.
Ang diwa at Espiritu ng bagong panahong ito ay nasusuma at napapaloob sa maikling salita ngEBANGHELYO:
‘Maging handa kayong lagi... baka sa kanyang biglang pagdating ay maratnan kayong natutulog! Maging handa kayo!’
ADVENT PERTAINS TO TWO BIG CONCEPTS AND STANCES IN LIFE:
1st: ADVENT MEANS BEING PREPARED.
2nd: ADVENT MEANS WAITING.
Sa ganitong kaisipan at diwa at sa biglaang pagtingin, ang Adbiyento ay para bang isang panahong nakatuon sa hinaharap. ---AT FIRST GLANCE, Advent seems to be future-oriented. It is a looking forward to.
YOU PREPARE FOR SOMETHING THAT IS NOT YET AT HAND.
YOU WAIT FOR SOMETHING THAT IS NOT THERE YET!
--- Ang isang Nanay na nagdadalantao. SHE LOOKS FORWARD TO THE DAY OF THE BIRTH OF HER CHILD. At ang kanyang asawa: HE ALSO WAITS FOR THE FIRST MOMENT OF THE CHILD’S CRY.
--- Ang isang nag-aaral sa kolehiyo. HE OR SHE LOOKS FORWARD TO THE DAY OF HIS OR HER GRADUATION. At ang kanyang mga mahal sa buhay: THEY WAIT IN ANTICIPATION OF THAT DAY.
--- Ang isang bilanggo na nakapiit. HE LOOKS FORWARD TO THE DAY WHEN HE IS SET FREE AND ONCE AGAIN BE WITH THE FAMILY. Naroon ang pananabik sa kanyang puso.
Ang Israel ayon sa UNANG PAGBASA mula sa Aklat ni Propeta Isaias ay matamang naghihintay at nananabik sa Pagdating ng Panginoon:
‘Buksan mo ang langit at ika’y bumaba sa mundong ibabaw.’
‘Balikan mo kami, iyong kaawaan,
ang mga lingkod mo na tanging iyo lamang.’
- Israel longs for the day of the coming of the Lord, who is their ‘FATHER, OUR REDEEMER YOU ARE NAMED FOREVER.’
- Naroon ang paghahangad at pangangarap upang matapos na ang kanilang pagkaligaw ng landas.
Israel’s faith in God surfaces through her longing and dreaming for that glorious day of the coming of the Lord.
Ngunit ang kanilang pangangarap, ang kanilang paghahanda at paghihintay ay nakaugat sa kanilang kasalukuyang kalagayan at sa mga pangyayaring naganap sa kanilang nakaraan, sa kanilang kasaysayan. --- KAYA ANG ADBIYENTO AY ISA RIN PALANG PAGBABALIK-TANAW SA NAKARAAN AT PAGDAMDAM SA KASALUKUYAN.
And we hear this as a lamentation on Israel’s part: NANANAGHOY ANG ISRAEL:
‘Bakit ba Panginoon, kami’y tinulutang maligaw ng landas, at ang puso nami’y iyong binayaan na maging matigas?
‘Nagagalit ka na’y tuloy pa rin kami sa pagkakasala, ang ginawa nami’y talagang masama buhat pa nang una. Ang lahat sa ami’y pawang nagkasala, ang aming katulad kahit anong gawin ay duming di hamak.’
Sa kabila ng kadiliman at ng kanilang mapait na karanasan at kalalagayan, ang Israel ay namamanhik at naninikluhod sa Panginoon na dumating na at baguhin ang kanilang buhay.
THIS IS THE MESSAGE OF ADVENT. --- Sa kabila ng ating sitwasyon sa buhay, ano mang dilim at bigat ng buhay ---WE PREPARE AND WAIT FOR THE LORD. WE HOPE THAT HE DOES SOMETHING TO MAKE OUR LIVES BETTER. And so ADVENT IS A SEASON OF HOPE, hope that springs from trust in the promise of God: ANG BAYANG NAGLALAKAD SA DILIM AY MAKASISILAY NG LIWANAG.
Hope is acknowledging that things are not right and well at all but amidst the darkness and shadow that we see, we do not lose sight of the light that comes from faith in the promise of God.
After all SOMEBODY IS COMING TO RESCUE US, TO SAVE US. --- Si Jesus ay darating upang tayo ay iligtas at ating masilayan ang liwanag na kanyang dala.
Sa madaling salita, ang paghahanda at paghihintay ay mga tanda ng pag-asa at pananampalataya.ITO AY MGA TANDA NG ADBIYENTO.
In the SECOND READING (from the First Letter of St. Paul to the Corinthians): Binubuhay ni San Pablo ang loob ng mga taga-Corinto na manatiling tapat kay Kristo:
Huwag kayong susuko. ‘Hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espiritwal, habang hinihintay ninyong mahayag an gating Panginoong Jesukristo.”
St. Paul’s encouragement is a timely reminder for all of us. There are so many manifestations in our experience that we are in troubled and challenging times. ---- MAY KRISIS SA EKONOMIYA SA IBA’T IBANG DAKO NG MUNDO. NARIRIYAN NA NAMAN ANG BANGAYAN SA PULITIKA. AT TIMES, WE DO NOT ANYMORE KNOW WHAT TO BELIEVE AND WHOM TO BELIEVE.
- Marahil nariyan ang problema sa isang anak na hindi nagiging mabuti.
- Nariyan ang sakit na kailangang harapin at dala-dalahin.
- Nariyan ang sapin-saping problema sa ugnayan sa pamilya, sa pamemera.
St. Paul tells us: YOU ARE NOT LACKING IN ANY SPIRITUAL GIFT AS YOU WAIT FOR THE LORD. May mga kaloob na biyaya ang Diyos. At ang bawat isa ay may biyayang tinanggap.
OUR WAITING FOR THE COMING OF JESUS WOULD ONLY BECOME MORE MEANINGFUL IF WE WILL WAIT AS A COMMUNITY. Samasamang naghihintay at nagbabahaginan ng mga biyayang tinanggap mula sa Diyos.
AND SO, ADVENT IS A SEASON OF WAITING which does not only mean ‘paghihintay’ but also means ‘paglilingkod.’ AS WE WAIT, WE SHARE THE GIFTS WE HAVE RECEIVED FROM GOD.
The spiritual gifts that St. Paul is talking about in the SECOND READING are not meant only for ourselves: WE OUGHT TO SHARE THESE GIFTS TO OTHERS SO THAT THEY MIGHT ANTICIPATE AND EAGERLY AWAIT THE LORD AS WELL AS WE DO.
At ito ang hamon ng Dakilang Jubileo: TAPOS NA ANG TATLONG TAONG PAGHAHANDA! TAYO AY MAGSASAYAW NA NG KARAKOL: It is time to walk the talk! It is time to dance --- in repentance, in forgiveness, and in loving one another!
Ito ang paghahanda na nararapat gawin ng mga mananampalataya ni Kristo. This is the kind of waiting that every Christian ought to do. --- TO WAIT IN HOPE AND IN FAITH! TO WAIT IS TO HOPE IN FAITH, TO SERVE --- TO SERVE JESUS WHO IS THE TRUE JUBILEE!
No comments:
Post a Comment