Homiliya ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa Misa
sa Quirino Grandstand sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno
January 09, 2012 - Monday

Maligayang piyesta po sa inyong lahat. Marami po sa atin ang pumarito at mananatili upang dalhin sa Panginoon ang ating mga panalangin, mga kahilingan, ang ating mga sugat, mga problema, mga hinaing. Sa atin pong pagtitipon, alalahanin natin ang ating mga kapatid natin sa Northern Mindanao at sa ilang bahagi ng kabisayaan na hanggang ngayon po ay nagsisikap bumangon pagkatapos ng Sendong. Alalahanin din natin ang mga kapatid natin sa Compostela Valley na naapektuhan ng landslide, pwede po bang tumahimik tayo sandali mag-alay ng panalangin sa Poong Hesus Nazareno para sa mga kapatid nating nagdurusa.
Sa banal na misang ito, tayo po ay sumasamba sa Diyos at nagpupuri sa Kanya, ang atin pong pagtitipon ay laging espesyal basta nagkakatipon sa pangalan ng Diyos, iyan ay espesyal na pagtitipon at tayo ay nagpapasalamat sa ating minamahal na Presidente Aquino, sa kanya pong pag-aaruga, sa kanyang pagsisikap na ang ating pagdiriwang ay maging matiwasay at mapayapa, salamat din po kay Congresswoman Naida Angpin, salamat po kay Mayor Lim, salamat po kay MMDA Chairman Francis Tolentino, salamat kay Cornel Alex Gutierrez, salamat po kay Gen. Bartolome, salamat po kay Mrs. Villegas ng atin pong National Arch Development Authority. At salamat po sa lahat ng nagsikap, ang atin pong mga kaparian, mga deboto na alam ko po isasabuhay natin ang tema ng kapistahan ngayon, espiritu ng Diyos Ama, espiritu ni Hesus Nazareno, ibangon mo ang sambayanang Pilipino. Iyan po ang ating tema, pero huwag lamang sana itong manatiling slogan, ang temang espiritwal ay salitang nagbibigay buhay at ito po sana ang maging pabaon satin, espiritu Santo, mula sa Diyos Ama at kay Hesus Nazareno, siya ang magbabangon sa sambayanang Pilipino.
Sa atin pong mga pagbasa, lalo na sa ikalawang pagbasa mula sa gawa ng mga Apostol, sinabi po ng Apostol Pedro na si Hesus na taga Nazareth, kaya nga Nazareno, siya ay puspos ng Espiritu Santo, siya ay puspos ng lakas pero hindi basta kung anong uri ng lakas kundi lakas mula sa espiritu ng Diyos. Ibang uri ng lakas iyan, kaya naman sa pamamagitan niya maraming nahilom, maraming napagaling at natupad ang sinasabi sa unang pagbasa mula sa Propeta Isaias na ang lingkod ng Panginoon hindi pinangalanan subalit alam natin kung sino siya, si Hesus Nazareno pupunuin ng Espiritu Santo, magdadala ng katarungan, pag-asa, paghihilom sa bayan. Iyan si Hesus Nazareno, puspos ng espiritu Santo, ayon sa ebanghelyo ni San Lucas siya ay naging tao sa sinapupunan ng Mahal na Ina sa bisa ng espiritu Santo. Sabi po sa mga ebanghelyo, lalo na sa narinig natin ngayon noong Siya ay binyagan sa ilog Hordan ni Juan Bautista bumukas ang langit at bumaba ng espiritu Santo sa hugis kalapati at ang misyon ni Hesus Nazareno na nagsimula sa (Capernaum) ay katuparan ng aklat ng Propeta Isaias ang espiritu ng Panginoon ay sumasaakin kaya dadalhin ko ang mabuting balita sa mga dukha kalayaan, sa mga pinipiit, paningin sa mga bulag, paglakad sa mga pilay. Dala ng espiritu Santo, ipahahayag ko ang taon ng biyaya at pagpapala ng Panginoon, Hesus Nazareno, puspos ng espiritu Santo. Pero meron pang pangalawa, nung bininyagan si Hesus Nazareno at napagtibay na siya nga ang puspos na Espiritu Santo, sabi ni Juan Bautista, siya nagbibinyag sa tubig subalit si Hesus Nazareno bibinyagan kayo sa tubig, sa apoy at sa espiritu Santo. Ibubuhos sa atin ni Hesus Nazareno hindi basta tubig kundi espiritu Santo, yung iba pag binibinyagan inilulublob sa tubig, si Hesus ilulublob tayo sa espiritu santo sa buhay ng Diyos. Kaya mga kapatid si Hesus Nazareno hindi lamang puspos ng espiritu santo, tagabigay din siya ng espiritu santo. Hesus Nazareno, puspos ng espiritu santo, Hesus Nazareno taga bigay ng espiritu santo, ang lakas na galing sa Diyos, tinanggap niya ibibigay niya. Si Hesus Nazareno pasan ang krus subalit parang nakapagtataka, pasan ang krus pero maganda ang kanyang tindig, tuwid ang likod. Sabi ng tradiyon ang imahen ng Hesus Nazareno ay si Hesus na tumatayo, bumabangon pagkatapos niyang malugmok sa bigat ng krus, si Hesus Nazareno hindi lamang tagapasan ng krus na sa sobrang bigat ay nakadarapa, si Hesus Nazareno ay larawan ng nadapa ngunit bumabangon, Hesus Nazareno saan nanggaling ang lakas mo, bakit ka nakakabangon? Marami ang mga nadarapa, nalulugmok hindi makabangon walang lakas, Hesus Nazareno ano ang sikreto ng lakas mo ang lakas ni Hesus Nazareno ay ang Espiritu Santo ang buhay at ang kapangyarihan ng Diyos, matanong po natin ano ba ang nakakapagpadapa kay Hesus at ano ba ang nakapagpapadapa sa atin bilang iisang Pilipino at iisang bansa, at ano rin ang makakabangon sa atin. Alam natin si Hesus nadapa sa bigat ng krus, ano ang nakapagpabigat sa krus at ano ang nakapagpadapa sa kanya ang kasalanan ang espiritung masama, ang espiritu ng mundo na tinatawag ni San Pablo na espiritu ng laman. Kung nasaan ang kasalanan, piho babagsak, piho madarapa garantisado iyan, para madapa at magkalublob-lublob pwersa ng kasalanan iyan ang nagpapadapa, ano ang nagpapabangon? ang espiritu Santo, espiritu ng Diyos. Simple lang iyan, nagpapadapa espiritu ng kasalanan, nagpapabangon espiritu santo.
Ngayon po sa ating kapistahan, hindi lamang natin hinihiling kundi inaangkin ang espiritu santong binigay na sa atin ng Ama at ni Hesus Nazareno, itakwil na natin ang espiritu ng kasamaan na walang idudulot kundi pagkadapa at pagkalugmok, oras nang bumangon pero paano babangon? Sa pamamagitan ng espiritu santo. Ito po, babasahin ko po ang isang bahagi ng sulat ni San Pablo sa mga taga-Galacia ito raw ang mga gawa at bunga ng espiritu ng kamunduhan at kasalanan na siguradong magpapadapa. Sabi po ni San Pablo, hindi maikakaila ang mga gawa ng laman o espiritu ng kasalanan, ano ang una? pangangalunya, hoy yung mga deboto na nandito kapag ikaw ay nangangalonya magagalit saiyo si Hesus Nazareno, huwag kang pupunta dito para humingi ng tawad at pagkatapos malinisan bukas balik nanaman sa kulasisi, hindi ka makakabangon lagi kang nakalugmok, taas ang kamay ng nangangalunya, huwag na huwag na baka magkahiyaan pa tayo. kaya hindi nakababangon ang sambayanang Pilipino buhay na buhay ang espiritu ng pangangalunya, gusto natin bumangon itigil natin ang espiritu ng pangangalunya sa Espiritu Santo kumuha ng lakas, bakit ba ang espiritu ng pangangalunya napakalakas sunod agad tayo, pero ang espiritu santo ayaw nating pakinggan, wala lugmok lagi yan. Ano pa, sabi ni San Pablo karimarimarin na pamumuhay, pagsamba sa diyos diyosan ayan ang daming diyos diyosan ngayon, pera, kapangyarihan, pangalan, yung iba ang diyos nila ay ang kanilang kutis wala ng ginawa kundi magkuskos ng magkuskos ng mukha, wala naman nangyayari, akala nila pag makinis ang kanilang mukha mukha silang diyos, hindi minsan nga nakaksabay ko sa jeep mga babae, sabi ko bakit amoy tinola eh kasi ang ginagamit na sabon papaya, ang papaya pangtinola, tao ka hindi ka manok, bakit ka nagpapakamanok at sa kagagamit mo na papaya gumaganda ka ba? ay Diyos ko po. Ano pa kaya tayo bumabagsak eh, lagi tayo nakatingin sa sarili, nakatingin sa salamin ayaw tumingin sa Diyos, ayaw tumingin sa hinagpis ng bayan sariling kutis, sariling mukha, diyos diyosan lalaglag tayo niyan. Pangkukulam, ayaw ko ng ipaliwanag ito, pero mukhang buhay na buhay na naman ang mga mangkukulam, ginagayuma pati ang mga pari, please huwag na, hayaan niyo na sila, huwag niyo na hong kulamin. Ito pa ang nakapagbabagsak sa atin, pagkapoot, pagkagalit, yung galit na ginagawang Diyos, yung galit na nag-uutos sa atin, kaya ang paggawa ng kabutihan ay hindi na napapakinggan kundi ang paghihiganti na lamang, kasakiman sabi pa ni San Pablo pagkakabahabahagi pagkakakampi kampi, o baka mamaya po baka dahil sa ating kagustuhan na mapalapit kay Poon Nazareno, pagkakabahabahagi wala akong pakialam saiyo, matapakan ka man, dumugo man ang nguso mo wala akong pakialam, hindi yan ang Espiritu Santo, pagkainggit, Ito makinig ang lahat may sinabi pa si San Pablo, na gawa ng espiritu ng mundo nakapagpapadapa, nakikinig na po ba ang lahat, ito paglalasing. Ilang pamilya ang nadapa, nalugmok, hindi makabangon dahil sa mga alcoholic sa kanilang pamilya o baka naman gagawin pa nating okasyon ang piyesta ni Poon nazareno para maglasing, huwag naman pero ang paglalasing dito ay di lamang sa alak may mga lasing na lasing sa kanilang cellphone, may mga lasing sa droga, may mga lasing na lasing sa sex at dahil sa impluwensya ng droga wala ng galang, hindi na nila tinitignan kung batang musmos o matanda ang kanilang nilalapastangan anong uri ba namang espirito yan, kung ganitong espiritong nasa atin, laging nakalugmok si Hesus, ibig ko hong dagdagan yung mga sinasabi rito ni San Pablo, yung atin pong espiritu na nagsisisra sa kalikasan, kung papaano sinisira ang kapwa tao, sinisira po ang kalikasan, mga kapatid sa piyesta pong ito ng Poon Nazareno may pakiusap at hamon po ako, sana po ang Luneta Grand Stand at lahat ng dadaanan ng prusisyon walang makita isang basura. Patunayan natin na hindi na natin hihilain si Poong Nazareno at ang kalikasan pababa dahil sa ating kawalang malasakit. Kakain kayo ng candy, pagkasubo ng candy, huwag ka namang napakayabang na parang ang buong Luneta ay iyong basurahan, na ang papel tapon mo lang, ang yabang mo kapatid, ang yabang mo, gusto mo kumain ng candy? kainin mo pati balat, ngayon kung ayaw mong kainin ang balat maghintay kang matapos ang misa bago ka kumain ng candy, at ang balat ilagay mo sa iyong bulsa, hindi mo basurahan ang buong siyudad ng Manila, magpakumbaba huwag tayong mayabang. O mamaya po sana pagkatapos ng misa hayaan natin ang mga pari na tahimik na dalhin ang Poong Nazareno sa kanyang landas sabi ni San Pablo, pagkakampi kampi, pagkakabahabahagi, pag-iinggitan unahan, hindi gawa ng espirito ng diyos kundi espirito ng laman. Alam niyo pa naman ang mga pari ho natin walang mga asawa yan, hindi yan sanay na nilalapitan at hinahawak hawakan kaya hayaan niyo na lang sila, tama ba yung sabi ko? Hayaan lang natin silang tahimik na dalhin ang Poong Nazareno sa kanyang andas ng marangal tayo at talagang sumasamba, o ngayon po paano tayo babangon at dito ako magtatapos. Lahat ng sinabi natin pabagsak yan ang nagpabigat sa krus ni Hesus, yan ang naglugmok sa kanya, ano ang nagpatayo kay Hesus? Ang Espirito Santo, at ito naman ay binibigay niya sa atin, sabi po ni San Pablo sa ikalimang kabanata ng mga taga galasya ito ang bunga ng espirito santo, pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, pagpipigil sa sarili, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan. Ang Espirito ay nagbibigay ng buhay sa atin, kaya ito rin ang dapat maghari sa ating buhay. Sambayanang Pilipino bumangon ka sa Espirito Santo, walang ibang lakas at kapangyarihan na makapagtatayo saiyo para maging sambayan ang katarungan, katotohanan, pag-ibig at kapayapaan kung hindi ang Espirito Santo, Poong Nazareno ibuhos mo sa amin ang Espirito Santo na galing sa Diyos Ama ng kami ay makabangon bilang isang sambayanan, tumahimik po tayo sandali at tanggapin sa ating buhay ang Espirito Santo na kaloob ni Hesus Nazareno.
Source Radyo Veritas 846

No comments:
Post a Comment